11-anyos na bata todas sa railings

11-anyos na bata todas sa railings

Binawian ng buhay ang isang 11-anyos na bata matapos madaganan ng steel railing sa may P. Burgos Street, Cebu City kamakailan.

Ayon sa ulat, kasama ng bata ang kanyang ina na nagtitinda ng kandila nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong bumagsak ang railings ng kalsada at nadagananan ang bata na noo’y nakaupo lamang sa gilid nito.

Sa kasalukuyan, naipatanggal na ng lokal na pamahalaan ang naturang railings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *