COVID pababa nang pababa sa NCR – OCTA

COVID pababa nang pababa sa NCR – OCTA

Mabilis ang pagbagsak ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group nitong Miyerkoles.

“The decrease is very fast. It is decreasing by 30% every week. A decent decrease would be 20%,” paglalahad ni OCTA Research fellow Guido David.

Binanggit ni David na ang National Capital Region (NCR) ay may average 1,933 daily cases mula Oktubre 5 hanggang 11, pinakamababa sapul noong Hulyo 31 hanggang Agosto 6 bago pinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

“We have reversed the number of cases to the week before we started ECQ and that’s good news,” dagdag pa niya.

Pinaboran naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang pagbaba ng Alert Level sa NCR.

“Nakikita talaga natin pababa eh, magmula sa two-week growth, nagsimula ang pilot, 113%. Ngayon -41% na,” paliwanag ni Abalos. “Personally, dapat ibaba na po ang alert level.”

Magtatapos ang Alert Level 4 sa Metro Manila ngayong Oktubre 15 at dedesisyunan kung ipagpapatuloy ito hanggang katapusan ng buwan o ibababa sa Alert Level 3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *