Meralco pumapalag pa

Meralco pumapalag pa

May natitira pang boltahe ang Meralco, iginapang ang 102-98 win kontra Magnolia sa Game 5 ng Philippine Cup semifinals sa Don Honorio Ventura State University gym Miyerkoles ng hapon.

Inilapit sa 3-2 ang best-of-seven, siniguro ng career-performance nina Allein Maliksi at Nards Pinto, kasama sina Raymond Almazan at Chris Newsome, na may Game 6 bukas sa Bacolor venue din.

Tumabo si Maliksi ng second-career best 29 points, pinakamarami niyang puntos sa playoffs at sa Bolts. Isa lang sa walong bitaw sa labas ng arc ang isinablay ng gunner para pantayan ang career-high sa 3-pointers made.

“Our backs against the wall, talagang sabi namin ibigay lang ang best effort and bahala na kung ano magiging result ng game,” anang 34-anyos na si Maliksi.

Career-high din ang 24 points ni Pinto.

Nagdagdag si Newsome ng 23 points at 6 assists, tumapos si Almazan ng 9 points at 10 rebounds.

Sa larong tinampukan ng 11 lead changes at 17 deadlocks, dumikit ang Hotshot sa 100-98 sa nakaw play na inbound alley-oop ni Mark Barroca kay Calvin Abueva sa ilalim 8 seconds na lang.

Ipinasok ni Almazan ang dalawang free throws para palitadahan ang panalo.

Napigil ang sampa sa finals ng Magnolia sa kabila ng 25 points ni Barroca at 19 points, 8 rebounds at 6 assists ni Abueva. May double-double din na 15 points at 14 rebounds si Ian Sangalang. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *