Metro Manila, Alert Level 3 simula Sabado

Metro Manila, Alert Level 3 simula Sabado

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang rekomendasyong ilagay na sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula sa Sabado, Oktubre 16 hanggang Oktubre 31.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR) kasabay ng pagpapairal ng mga granular lockdowns sa mga purok, street, kabahayan, condominiums o subdivision na magtatala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Ang maluwag na alert level sa Metro Manila ay inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Miyerkoles matapos aprobahan ng IATF ang rekomendasyon.

Ang paggalaw ng mga tao ay pinapayagan sa ilalim ng Alert Levels 2 at 3 na may kaakibat na restriksyon base sa edad at kung may comorbidities.

Pinapayagan ang mga negosyo na magpapasok ng maximum na 30 percent na kliyente.

Inanunsyo rin ni Roque ang quarantine classification sa iba pang panig ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *