Pulis masisibak sa ilegal na pagbebenta ng COVID drugs

Pulis masisibak sa ilegal na pagbebenta ng COVID drugs

Dalawang pulis ang napipintong masibak sa serbisyo makaraang maaresto sa magkahiwalay na operasyon kung saan isa sa mga ito ang nahaharap sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 drugs.

Sa statement na ipinalabas ng Philippine National Police (PNP), naaresto ng National Bureau of Investigation si Police Staff Sergeant Ariel Yalung sa Quezon City dahil sa pagbebenta at overpricing ng tocilizumab, isa sa mga gamot sa COVID-19.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI na may dalawang taong nagbebenta ng tocilizumab online sa halagang P95,000 na napakataas kumpara sa suggested price nito P25,000.

Samantala, sa kapareho ring statement, ipinabatid ng PNP na naaresto ng Integrity Monitoring and Enforcement Group si Police Staff Sergeant June Angeles sa isang entrapment makaraang ireklamo ito ng pangingikil ng asawa ng isa sa mga bilanggo sa San Mateo, Rizal.

“Tinitiyak ko na matatanggal sa serbisyo ang dalawa sa aming kasamahan dahil sa kalokohang kinasangkutan nila,” pahayag ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar Eleazar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *