2.8K indibidwal nasunugan sa Zambo

2.8K indibidwal nasunugan sa Zambo

Mahigit 2,000 katao ang nawalan ng bahay matapos ang mahigit 3-oras na sunog na tumupok sa may 300 bahay sa Barangay Recodo, Zamboanga City noong madaling araw ng Miyerkoles.

Tatlong residente ang sugatan sa naturang sunog na sina Ansar Alawi, 50; Basher Paraja, 51; at Mukarram Asari, 35.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-ugat ang sunog sa isang napabayaang kandila sa isa sa mga nasunog na bahay.

Nag-umpisa umano ang sunog dakong alas-2:50 ng madaling araw at madaling kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa ligh at semi -concrete materials.

Ayon sa ulat ng pamahalaang lokal, 523 families na binubuo ng 2,821 indibidwal ang nawalan ng bahay.

Sa kasalukuyan, pansamantalang tumutuloy sa Recodo National High School at Barangay Recodo covered courts ang mga nasunugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *