Abangan sa YouTube Boy Abunda ‘very hot’ ang new interview kay LJ Reyes

Abangan sa YouTube Boy Abunda ‘very hot’ ang new interview kay LJ Reyes

May bagong interview si Boy Abunda kay LJ Reyes.

Ang tsika, ‘very hot’ ang interbyung ‘yon ni Kuya Boy sa ex ni Paolo Contis.

Sa The Buren sa Brooklyn, New York nagkita’t nagtsikahan sina Kuya Boy at LJ.

Pag-aari raw ng pamilya ni LJ ang nasabing café-bar.

Exciting daw ang sagot ni LJ sa tanong ni Kuya Boy kung pupunta siya sa Baguio City ‘as a friend’. Identified kay Paolo ang Baguio City dahil doon nagkaroon ng sightings sa kanila ni Yen Santos na na-link sa kanya.

Naku, for sure, marami na naman ang tututok sa YouTube channel ni Kuya Boy dahil sa exclusive interview niya kay LJ.

Ang bongga!

Ang picture nga pala nina Kuya Boy at LJ ay galing sa Facebook page ni Philip Ababon Rojas, na kasa-kasama ng TV host sa New York City.

·

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *