After magka-COVID-19 ng aktor Paulo babalik sa lock-in taping

After magka-COVID-19 ng aktor Paulo babalik sa lock-in taping

After aminin ni Paulo Avelino na nagka-COVID-19 siya, babalik na siya sa taping ng ‘Marry Me, Marry You’, ang ABS-CBN romantic-comedy series na pinagbibidahan nila ni Janine Gutierrez.

Hindi natapos ni Paulo ang dapat sana ay last lock-in taping nila dahil nag-positive nga siya sa nasabing virus.

Bukas (Friday), may RT-PCR swab test ang lahat ng mga kasama sa pagla-lock-in taping uli ng ‘Marry Me, Marry You’.

Paglabas ng result on Saturday (October 16), magtse-check-in na ang lahat sa quarantine hotel nila at taping na sila ng apat na araw.

Isasabay na rin sa taping nila ang Christmas station ID shoot/spiels.

Sa October 21 naman ang exit swab test nila at kapag negative sa virus ay puwede na silang mag-check-out sa October 22.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *