Alaws lampungan! Social distancing ipatutupad sa mga sinehan

Alaws lampungan! Social distancing ipatutupad sa mga sinehan

Aprobado na ang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila pero ipatutupad pa rin ang social distancing upang maiwasan ang magkakatabi sa upuan, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kasunod ito ng desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Disease (IATF) na isailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region simula Oktubre 16 hanggang 31 mula sa Alert Level 4 na sinimulan noong Setyembre 16.

Sa nasabing alert level, ang mga sinehan ay pinapayagang magbukas pero 30 percent ang kapasidad at tanging mga bakunado lamang ang makakapanood.

“A lot of people are so happy with this, even the cinema operators association,” sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Noong Marso 2020 pa nagsara ang mga sinehan sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic at umaabot na sa P21 bilyon ang nawalang kita sa industriya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *