HS principal, utol tiklo sa P40K shabu

HS principal, utol tiklo sa P40K shabu

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang isang high school principal at kapatid nito sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Nicolas sa Alcala, Pangasinan kahapon.

Sa isang interview, kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan provincial officer Rechie Camacho ang mga suspek na sina Victor Dumlao at Winy Dumlao na high school principal.

Ikinasa umano ng PDEA Pangasinan at Ilocos regional office ang operasyon sa pakikipagkoordinasyon sa Alcala Police.

“We have been monitoring the suspects for quite some time now,” pahayag ni Camacho.

Nakumpiska umano sa magkapatid ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800 at buy-bust money.

Hawak na ng PDEA ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso. (PNA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *