Maring death toll nasa 19 na – NDRRMC

Maring death toll nasa 19 na – NDRRMC

Umakyat na sa 19 katao ang bilang ng namatay sa bagyong Maring na nagdulot ng flash floods at landslides sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na rin sa mahigit isang bilyong piso ang napinsala ni Maring sa sector ng agrikultura habang daan-daang kabahayan naman ang napinsala.

Ayon pa kay NDRRMC spokesman Mark Timbal, ang ibinuhos na ulan ni Maring ay mas madami pa kung ikukumpara kay bagyong Ondoy na nagpalubog sa Metro Manila noong taong 2009.

Sa 19 na bilang ng namatay, karamihan umano ay mula sa Ilocos Sur kung saan nagkaroon ng flash floods. Mayroon namang 14 katao ang patuloy na nawawala.

Bukod sa 19 na kumpirmadong namatay, kinukumpirma pa umano ng NDRRMC ang ulat na 11 pang namatay karamihan ay sa Benguet kung saan nagkaroon ng landslides.

Ayon pa sa ulat, may 15,000 katao ang nagsilikas sa kasagsagan ng bagyong Maring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *