Nainsulto sa pagpapaatras ng Robredo team! ‘Hindi naman unification ang intention’ – Lacson

Nainsulto sa pagpapaatras ng Robredo team! ‘Hindi naman unification ang intention’ – Lacson

Tahasang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na nainsulto siya sa hangarin ng kampo ni Vice President Leni Robredo na umatras ito sa kandidatura sa pagka-presidente upang magkaroon umano ng iisang kandidato ang oposisyon sa Halalan 2022.

Nangyari ito sa ikalawang unification meeting niya kay VP Robredo kamakailan, kung saan kasamang dumalo ang running mate niyang si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon ng Liberal Party.

“After our second meeting with the Vice President Robedo and Sen. Drilon…I felt that, you know, hindi naman talaga unification ang intention o yung objective,” paglalahad ni Lacson nang maging panauhin sa Pandesal Forum nitong Huwebes.

Sa harapang miting nila, hindi napansin ni Lacson na pinapaatras siya ni Drilon sa pagtakbong presidente sa darating na halalan dahil sumenyas lamang ito.

Ibinuking lamang ito ni Sotto noong makaalis na sila sa meeting place.

“Sabi niya (Sotto) ‘Di mo ba napansin? Na yung dalawang daliri ni Frank nakaturo sa aming dalawa.’ Parang effectively, telling me, in my face, to withdraw and mag-create ng bagong tandem between the Vice President and the Senate President,” kuwento ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na kung nakita niya ang hand gesture na ito, baka nag-walkout siya sa nasabing miting.

“Sa akin it’s too insulting to say the least na in your face na sabihin sa’yo na mag-withdraw. Ako lang ang pwedeng mag-decide kung magwi-withdraw ako. No other person because ito na yung desisyon ko,” diin ng presidential bet ng Partido Reporma.

Nanindigan pa si Lacson na wala nang atrasan ang pagtakbo niyang presidente at sinabi niya ito mismo kay Drilon na dumating na sila sa “point of no return.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *