P6.5M ecstacy tablets nasabat ng BOC

P6.5M ecstacy tablets nasabat ng BOC

Tinatayang aabot sa P6.5 milyong halaga ng ecstacy tablets ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) na itinago sa tarpaulin na galing sa bansang Germany.

Batay sa ulat, nasa 3,865 na tableta ng Ecstasy ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng BOC, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Nakumpiska ito sa Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City noong Miyerkoles.

Sa inisyal na pagsisiyasat, dalawang pouch na naglalaman ng 3,865 hexagon tablets at skull tablets ang natagpuan at nang beripikahin ay nakumpirmang ecstasy tablet.

Nasa pangangalaga na ng PDEA ang mga droga at inihahanda na ang kasong isasampa sa mga taong nasa likod ng naturang epektos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *