Pia at Catriona, rarampa sa South Africa

Pia at Catriona, rarampa sa South Africa

Sabay na rarampa sa South Africa ang dalawang ipinagmamalaking Miss Universe winners ng bansa na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) para sa Miss South Africa 2021 finale na magaganap sa October 16, 17:00 (SAST-South Africa Standard Time) sa Grand Arena, Grandwest Casino and Entertainment sa Cape Town, SA.

Nasa South Africa na si Pia at sa Instagram post ng Entertainment News Portal (@enpofficial) kung saan makikita ang short clip nang pagkikita nina Pia at Tamaryn Green (Miss Universe 2018 first runner-up) sa unang araw ng event ng Miss South Africa.

“It’s my first full day,” sagot ni Pia sa pangungumusta sa kanya ng former Miss South Africa 2018. “I’m really excited. The weather is amazing. The view from my room was amazing and I can’t wait to meet the girls today.”

Sina Pia at Tamaryn ay magiging bahagi ng selection panel ng Miss South Africa beauty pageant.

Mula sa bansang Mauritius kung saan nag-shoot ng isang project si Catriona with boyfriend Sam Milby, sumaglit muna si Catriona sa Kenya para sa isang event ng Smile Train kung saan isa siyang global ambassador.

Mula naman sa Kenya, diretso na si Cat (her monicker) sa Cape Town, South Africa para magsilbing backstage host (kasama ang Miss Universe 2019 na si Zozibini Tunzi) sa annual South Africa beauty pageant.

Wala lang kaming idea kung bibitbitin ni Catriona si Sam sa South Africa.

At any rate, sakaling dumalo si Demi-Leigh Nel-Peters (Miss Universe 2017 from South Africa) na kasalukuyang nasa Florida, USA with her husband Tim Tebow sa nasabing beauty pageant, magkakaroon ng biglang reunion ang apat na former Miss Universe titleholders na sina Pia, Catriona, Demi-Leigh at Zozibini.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *