Sharon happy sa suporta ni KC kay Kiko!

Sharon happy sa suporta ni KC kay Kiko!

Kahapon ay ni-repost ni Sharon Cuneta ang ilang news items tungkol sa posting ng panganay niyang anak na si KC Concepcion sa Instagram (@kristinaconcepcion) tungkol sa pagsuporta nito sa kandidatura sa pagka-vice president ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Halatang ikinatuwa ng Megastar ang sinabi ni KC na, “You deserve my vote and the vote of the people” na patungkol sa kanyang stepdad na si Kiko.

Caption ni Sharon sa ilang news items tungkol sa sinabi ni KC, “Our eldest supporting her Dad, Kiko, who has raised her with me since she was 11 years old.”

May kasamang praying hands at ilang hearts na emojis ang posting na ‘yon ng Megastar.

Isang malapit kay Sharon ang tinanong ko tungkol doon.

“Kilala naman natin si Mega, happy ‘yon sa ipinost ni KC, kaya tigilan na ang pang-iintriga sa magnanay! Kahit ano pang sabihin, at the end the day, magnanay pa rin ‘yan. Nagmamahalan ‘yan!” sabi ng kausap namin.

Naniniwala naman ang ilang malalapit sa mag-ina na kapag nagsimula na ang campaign period ay uuwi rin ng Philippines si KC (na based ngayon sa Los Angeles, California) para tumulong mangampanya for Kiko.

So nice! So tigilan na ang pang-iintriga sa mag-inang Sharon at KC, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *