Pinsan ni Kylie gumanti: Aljur ginutom daw pamilya

Pinsan ni Kylie gumanti: Aljur ginutom daw pamilya

Patuloy ang bangayan sa social media tungkol sa isyu nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kung saan sumali na nga ang pinsan ng huli.

Sa viral na Facebook post ni Princess Paulino, sinabi niya na hindi raw totoong niloko ni Kylie si Aljur kahit pa raw hindi kayang mapunan ng aktor ang pangangailangan nilang pamilya tulad sa pagkain.

“Kylie never cheated on you. Not even when you could not put food on the table,” paratang ni Princess.

Alegasyon pa ni Princess ay may utang daw si Aljur kay Kylie, at ang mister pa raw ang nagloko ng maraming beses sa kanyang pinsan.

Hindi rin daw alam ni Kylie noon na magpapa-interview si Robin para ilantad ang kanilang paghihiwalay.

“When Tito Robin spoke about your cheating, Kylie did not know about it. She even felt bad,” parte ng post ni Princess.

Muling naungkat ang hiwalayan ng dalawa matapos mag-post si Aljur kung saan tinanong niya si Kylie kung sino ba sa kanila ang unang nagloko at sumira sa kanilang pamilya. (Mark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *