James, pinaasa mga fan nila ni Nadine

James, pinaasa mga fan nila ni Nadine

Paniguradong excited na ang mga JaDine fan sa kakahintay sa bagong single ni Nadine Lustre na ‘Wait For Me’.

Siyempre, hindi nagpahuli ang ex-boyfriend niya na si James Reid sa pag-support sa music career ni Nadine.

“Nadine got a new anthem dropping at midnight and the MV (music video) will be out on the 30th,” ayon sa caption ni James sa Instagram.

Pero mukhang biglang nabuhayan ang kanilang mga fan dahil may pa-hashtag pa sa dulo si James na #NadineWaitForMe.

Umasa tuloy ang mga JaDine fan na baka puwede pang mabalik ang romance sa pagitan ng kanilang mga idol.

Kasunod lang ito ng muling pag-post ni James na for sale ang kanyang bahay sa Quezon City, kung saan marami silang nabuong memories ni Nadine.

Well, only time will tell kung magkakabalikan ba ang dalawa, pero sa ngayon ay maging happy muna ang mga fan dahil friends pa rin ang ex-couple. (Mark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published.