Barbie: Diego hindi kabit si AJ

Barbie: Diego hindi kabit si AJ

Hindi makapaniwala si Barbie Imperial sa kumalat na rumor sa social media na may ‘something’ daw ang kanyang dyowang si Diego Loyzaga at si AJ Raval.

Sa panayam ni Boy Abunda sa aktres, sinabi niya na malabong magkaroon ng relasyon sina Diego at AJ noong magkasama sila sa isang movie dahil that time ay boyfriend pa ng anak ni Jeric Raval si Axl Torres, na best friend naman ni Barbie.

“Lahat ng binibintang na nambabae siya, pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yon,” giit ni Barbie.

Sey pa niya, bilang babae ay mararamdaman daw niya kung niloloko siya ng kanyang boyfriend.

Isa pa sa kinaiinis ni Barbie ay kung bakit hindi dine-defend ni AJ ang sarili kahit tinatawag na itong kabit.

“For me kasi, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!” madiing dialogue ni Barbie. “Bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat na nagka-‘thing’ kayo ni Diego?”

Nagsimula ang isyu dahil sa post ng isang social media influencer na sinabing dinadalaw daw ni Diego si AJ sa Pampanga.

Dedma naman sa naturang isyu si Diego at nagpatuloy lang sa pag-post sa social media ng sweet moments nila ni Barbie, patunay na strong pa rin ang kanilang relationship. (Mark Patriarca)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *