Dingdong at Marian, magkakalayo uli

Dingdong at Marian, magkakalayo uli

Kapag nagkataon, baka ilang araw lang pagbalik ni Dingdong Dantes mula sa kanyang lock-in taping at quarantine ay magkakahiwalay kaagad sila ng misis na si Marian Rivera.

Usap-usapan na nga na isa si Marian sa magiging judge ng Miss Universe 2021 beauty pageant na gagawin sa Israel.

Sa December 12 ang coronation night, pero siyempre, marami pang activities before the actual pageant kaya mas maaga si Marian na lilipad kasama ang kanyang glam team.

Sa ngayon, wala pa ring official na confirmation mula kay Marian, maging sa Triple A Management tungkol doon, pero may nakapagsabi sa amin na handpicked daw talaga si Marian ng Miss Universe organization na maging isa sa mga judge.

At feeling naman namin, kahit limitado pa rin ang tinatanggap niyang proyekto dahil nga sa banta pa rin ng COVID-19, malaking chance na tutuloy si Marian dito dahil isa pa rin itong pambihirang pagkakataon. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *