Never forget pero siya nakalimot? Roque binuska sa pagsuporta kay Marcos Jr

Never forget pero siya nakalimot? Roque binuska sa pagsuporta kay Marcos Jr

Nilutang ng mga netizen ang dating Facebook post ni Atty. Harry Roque na nagpapahiwatig na kontra siya sa pinatupad na Martial Law ni dating diktador Ferdinand Marcos.

Kasunod ito ng pagkasama ni Roque sa senatorial slate ni presidential aspirant Bongbong Marcos at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa naturang post noon pang 2016, mababasa ang caption na, “Never Again, Never Forget: Martial Law, the Academe, and the Public.”

Makikita rin ang larawan ni Roque bilang isa sa speaker ng event na tumutuligsa sa nangyari noong panahon ni Marcos.

https://www.facebook.com/320370261490812/photos/a.356609934533511/356610324533472/

Hirit ng mga netizen, tila nag-iba na ang ihip ng hangin ngayon matapos tanggapin ni Roque ang offer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para mapasama sa kanilang senatorial slate.

Si Marcos Jr. ang chairperson ng naturang political party.

“Dementia? Alzheimers? Amnesia? Harry Roque? huh?” giit ng isang netizen.

“Never forget pero siya yung nakalimot,” sambit pa ng isang social media user.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *