COVID-19 dagsa

COVID-19 dagsa

Hola amigos y amigas. Kamusta ang lahat? Grabe ang pagsalubong ng 2022 sa atin nagparamdam talaga,

Last week of December pa lang eh may mga nahawa na ng variant na Omicron. May mga bali-balita na ako na marami na ang mga nagkakasakit na flu like symptoms. May mga kaibigan ako na pagkatapos na magcelebrate ng Pasko at Bagong Taon sa ibang lugar ay mga nagkasakit. Hindi mo na malaman kung sa lugar na napuntahan, mga kasama at nakahalubilo na asymptomatic o sa mga paliparan nila nakuha ang virus. Ang hirap ng contact tracing na dapat gawin sa dami ng tao na nasa labas. Sana naman please lang kung sa tingin nila ay exposed sila sa nagka virus please isolate na ng matigil na ang hawahan. Palakasin ang katawan. Mag exercise, kumain ng healthy, load ng vitamins, free your mind sa pag-iisip ng negative at higit sa lahat ang panlaban ay dasal at kapit talaga sa Diyos.

Grabe ang pagkaubos ng basic na gamot sa ubo, sipon, lagnat at body pain sa lahat ng drugstore. Mapa malaki man o maliit na tindahan ay ubusan ang gamot. Yung iba nag-imbak lang kung dadating ang oras na kailangan nila ‘yung gamot at ang iba naman ay mga nanamantala sa pagbili ng marami at pagbenta online ng mas mataas na presyo. Kakaloka talaga pandemya na ekonomiya pa rin ang nasa isip. Well, naniniwala naman ako sa balik ng kasalanan. Malay nyo kailangan nyo ang pera na kinita nyo sa pagpapagamot nyo. Ika nga, karma is a bitch. ‘Yung mga nag ubos ng gamot dyan sa drugstore, kayo sana ang uminom ng gamot na inubos nyo. Gigil ako talaga. Grrr! Sorry po.

Madaming babasahin at artikulo ang lumalabas ngayon tungkol sa Omicron variant. Sa dami nga ng naglalabasan sa socmed hindi mo na alam kung ano ang totoo o hindi. ‘Wag basta nagpapaniwala. Magsaliksik at magtanong sa dalubhasa. ‘Pag may symptoms na nararamdaman consult your doctor. ‘Wag mag-self medicate. Mahirap na imbis gumaling baka lalong magkasakit.

Sa mga ayaw uminom ng gamot dyan at feeling nila going natural are the best option ay respect naman ako dyan, Pwedeng uminom ng warm drink na may garlic, ginger, lemongrass with honey (optional) pagkagising mo. Ang lemon water nyo ay dapat room temperature lang para ‘di ma-trigger ang ubo. Magsuob ng asin if sa tingin nyo need nyo guminhawa ang inyong paghinga. So far, okey na okey sa akin yang ritual na yan. Sana sa inyo rin. Laklak ng fruits at veges. Iwas lang sa matatamis lalo na sa katulad ko na sobrang sweet kaya need ko ang metformin pagkatapos kumain. haha. Sa pagtulog nagmi-mix ako ng young living oil. Panalo! Nakakapahinga ka talaga at nakakatulog nang maayos. Ask your ka oil-bularyo friends, willing mga ‘yan to assist and help you. May kamahalan nga lang ang mga oil pero wala namang presyo ang pahinga, less stress at lalo na pagkalayo aling aning.

May directive na rin ang gobyerno sa mga hindi pa vaccinated. Mahihinto ang movement nyo sa buhay ‘pag nagkataon. Hassle ika nga. Well, choice nyo ‘yan at respeto ko na lang sa inyo kung ayaw nyo magpabakuna. May it be science or religion. Kanya kanyang take ‘yan. Palakasin ang inyong katawan at kung hindi kailangang lumabas ay ‘wag na lalabas. Mahirap kayo tamaan ng virus.

Uminit ang ulo ko at kumulo ang dugo ko kay ‘Neneng takas’ na mas sikat sa tawag na ‘Poblacion Girl.’ Bakla ka! Wala ba kayong TV? radyo? Dyaryo at wala ka ba sa socmed world na hindi mo alam na dapat mag-quarantine ang mga lumalanding dito sa ‘Pinas. Palagay ko alam mo kase nagpa-hotel ka nga di ba? Kaso nagdinner pa kayo ng jowa mo. Sinundo at hatid ka pa ng magulang mo. Nag-Pob ka pa with your friends. Ayan tuloy madaming nagkasakit. Hawahawa na, ikaw okey ka na ba? Sana natuto ka na ha. ‘Wag mo na uulitin. Sikat ka na sa maling paraan. May asunto ka pa ngayon. Sana gumaling ka at mga nakahalubilo mo. Hindi naman nila kasalanan na matigas ang ulo mo. May pa PR ka pa na may connection ka eh takas ka lang pala sabi ko sa iyo, karma is a bitch. I hope you learned your lesson well.

Mag ingat po tayong lahat. We all know the drill. Ulit ulitin pa ba? Importante ang dasal. Dapat maraming maraming baon tayo nyan. Kapit lang kay Lord. ‘Wag na matigas ang ulo mga katoto ha.

PS.

Happy birthday sa nag-iisang Megastar Sharon Cuneta. Alam nyo na Sharonian ako lalo na kung may handaan haha. Also to power twins may inaanak Mavy and Cassy Legaspi, Puresound base player Gelo Manrique, Carlo Argana of Muntinlupa City, Yaya Viner Gatdula, Niko “Bagyo” Ruiz, Kuya Bal Crooc, Papa Toby Nebrida, Doc Thed Navarro, Angie Catalan, Dep Sec. Joey Flaminiano, Daddy Freddie Santos. #

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *