Nanay ni Pia hindi materialistic

Nanay ni Pia hindi materialistic

Naaliw kaming panoorin ang YouTube video ng nanay ni Pia Wurtzbach na si Cheryl Alonzo at ng kanyang stepdad na si Nigel Tyndall.

Sa ‘Mommy Cheryl and Grandad Nigel’ YouTube channel, na-curious kami sa title ng vlog na, ‘Gift ni Pia sa Xmas & Lipat Bahay Namin’.

Noong Christmas break ay nakasama nina Cheryl at Nigel si Pia at nag-vlog nga sila sa naging Christmas gift daw sa kanila ng beauty queen. Kasama nila si Pia na namimili ng mga gamit para sa bagong bahay o flat na nilipatan nila.

In fairness sa nanay ni Pia, kitang-kita na hindi ito materyalosa at panay ang pabili sa anak. In fact, si Pia ang nagpupumilit na palitan na ang mga gamit sa bahay ng nanay at stepdad at siya na ang bahala. Kaso, talagang alanganin ang ina na bumili.

Kapag medyo mahal na para rito ang presyo, talagang ayaw at nagdidiskusyon silang mag-ina.

Kaya sey ni Pia, “Mahal pa ang kinakain natin diyan.”

Sabi pa niya sa nanay ni Pia, “Kilala kita, kahit bigyan kita ng budget, hindi mo bibilhin ang tunay na kailangan. Kaya itodo mo na.”

Pinuri naman si Pia ng mga netizen. Ang daming nabaitan kay Pia at pumuri sa pagiging mapagmahal at mapagbigay raw na anak nito. Natuwa rin sila sa nakitang magandang relationship ni Pia sa kanyang stepdad. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *