Wala na daw nanonood? Kuya Kim binutata basher

Wala na daw nanonood? Kuya Kim binutata basher

Sinagot ni Kuya Kim Atienza ang isang basher na nagsabing hindi raw siya kawalan sa ABS-CBN at wala na rin umanong nanonood sa mga palabas niya.

Sa tweet ng basher, binira niya si Kuya Kim at ang iba pang lumipat ng network tulad nina Atom Araullo at Julius Babao.

“Ano na kayang nangyari kay Atom, kay Kuya Kim, may nanonood ba sa palabas nila,” patama ng netizen.

Bumwelta naman si Kuya Kim at sinabing may nanonood pa rin naman sa kanyang mga show sa GMA-7.

“Hmmmmm parang meron pa naman last time I checked,” lahad ng Kapuso host.


Madaming netizen naman ang dumepensa kay Kuya Kim at pinakita ang kanilang suporta sa mamamahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *