Naghanap ng signal todas sa kuryente

Naghanap ng signal todas sa kuryente

Patay ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang makuryente habang naghahanap ng malakas na cellular phone signal sa baybayin ng Catmon, Cebu kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Jessie Tanjay, 17, residente ng Sitio Tabok sa Barangay Macaas, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Catmon Police Station, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sea Wall ng Barangay Flores sa Catmon.

Sinabi ni Police Corporal Gemar Arigo, imbestigador sa Catmon Police Station, na nagtungo ang biktima sa nasabing lugar kasama ang dalawang dalagita at isa pang binatilyo para sumagap ng malakas na signal ng cellphone.

Pagdating sa lugar abala, ang mga ito ang magkakaibigan sa kani-kanilang cellphone kaya hindi napansin ng biktima ang isang nakakalat na live wire.

Agad nagkikisay at nahandusay ang biktima nang maapakan ang live wire.

Humingi naman ng tulong ang mga kaibigan nito at isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot nang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *