Sabonis-Stephenson tandem click sa Pacers

Sabonis-Stephenson tandem click sa Pacers

Patok ang bagong tambalan nina Domantas Sabonis at Lance Stephenson sa Indiana.

Nagkamada ng career-high 42 points si Sabonis, sumegunda ng 16 points at career-high 14 assists si Stephenson, at hiniya ng Pacers (15-25) ang dumayong Utah Jazz 125-113 Sabado ng gabi.

Pagpasok ng taon ay binigyan ng Indiana si Stephenson ng 10-day contract para punan ang numinipis na roster dahil sa health and safety protocols.

“We’re playing together, now that I know the plays,” pakli ni Stephenson, nasa pangatlong stint niya sa Pacers.

May sahog pa siyang 6 rebounds at 4 steals.

Kalahati ng assists ni Stephenson ay nilista niya sa fourth quarter lang, apat ang isinubo kay Sabonis.

“Lance with the ball can make a lot of things happen,” puna ni Indiana coach Rick Carlisle. “He has the ability to be unpredictable yet under control.”

Walang nagawa ang 36 points at 9 assists ni Donovan Mitchell sa Jazz (28-12), humugot pa ng 21 points kay Bojan Bogdanovic at 18 kay Jordan Clarkson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *