Apartment nasunog, 9 bata todas

Apartment nasunog, 9 bata todas

Patay ang aabot sa 19 katao, kasama ang siyam na menor de edad, matapos magliyab ang isang apartment building sa Bronx, New York.

Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng 19-story apartment dahil umano sa naglokong space heater.

Naiwan umanong bukas ang pintuan ng kwarto kung saan pumalya ang heater kaya kumalat ang usok sa buong gusali.

Bukod sa mga nasawi, 44 katao rin ang sugatan sa insidente, 13 dito ang nasa kritikal na kondisyon.

Isang babae ang nakaligtas kasama ang kanyang apat na anak matapos silang tumalon mula sa third floor ng apartment patungong launching pad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *