Gerald, expensive watch regalo kay Julia

Gerald, expensive watch regalo kay Julia

Aba, talagang bongga ang naging regalo ni Gerald Anderson kay Julia Barretto noong holiday season!

Sa YouTube vlog ni Marjorie Barretto, mother ni Julia, pinasilip niya ang ilang happenings sa pagsalubong nila sa Christmas kasama si Gerald.

Part ng vlog ay ang pagbubukas ng gifts, at doon nga nasorpresa si Julia dahil brand new Rolex watch pala ang gift sa kanya ng boyfriend.

Sey ni Julia, first time niya raw magkaroon ng Rolex kaya talagang special ang naging regalo ng kanyang boyfriend.

Sa sobrang excited ni Julia, kaagad niyang sinukat ang mamahaling relo at napayakap kay Gerald, kitang-kita na sobrang in love ang celebrity couple sa isa’t isa.

Maraming netizen naman ang nakapansin na sobrang bait ng family ni Julia kay Gerald at napakasuwerte raw ng aktor na parang kapamilya na ang turing sa kanya ng relatives ni Julia.

Sana talaga ay forever na sila dahil kakaiba ang bond ni Gerald kay Julia pati sa pamilya ng aktres. (Mark Patriarca)

·

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *