Dating broadcaster binoga sa ulo

Dating broadcaster binoga sa ulo

Isang dating radio commentator na nagbitiw para tumakbong konsehal sa Sultan Kudarat ang binarily at pinatay noong Miyerkoles ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Jaynard Angeles, dating commentator at station manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Sa ulat ng pulisya, tinambangan si Angeles dakong alas-10:30 ng umaga kahapon, araw ng Miyerkoles, sa Barangay Carmen, Tacurong.

Ayon sa mga saksi, tatlong putok ng baril ang narinig malapit sa isang car wash station. Isang tama ng bala sa ulo ang agad ikinamatay ni Angeles.

Wala pang ibang ibinigay na detalye ang pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sinabi naman ni Allan Freno, Tacurong information officer, na nagbitiw sa naturang radio station si Angeles para tumakbong konsehal sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat. Kumakandidato ito sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

“He was a hard-hitting radio commentator, and his criticisms did not spare politicians,” pahayag ni Freno sa ulat ng Mindanao News.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng krimen at pagtutuunan ng imbestigasyon kung may kinalaman ito sa dating trabaho ni Angeles bilang radio commentator o kaya ay sa pagtakbo nitong konsehal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *