COA, CSC inutil

COA, CSC inutil

NAISARADO ng traditional flu and one-fifth ng mga bangko.

Hindi COVID ‘yan, ordinaryong trangkaso lang.

Pero, hindi kayang sugpuin ng gobyerno.

WALANG itinutulong ang gobyerno sa mga biktima ng ordinaryong flu.

Kahit paracetamol ay hindi nagbigay ang pamahalaan.

WALA ring libreng RT-PCR test o kahit antigen rapid test na ibinigay ang gobyerno sa ordinaryong tao sa gitna ng traditional flu.

Repleksiyon ito ng kamangmangan at katamaran ng mga nasa pamahalaan.

CORRUPTION ang ugat ng kahinaan ng gobyerno.

Kinukunsinte ng gobyerno ang malayang nakawan ng pondo sa mga LGU.

INUTIL din ang COA at Civil Service Commission na protektahan ang ordinaryong tao laban sa mga katamaran, ineffiency at corruption sa pamahalaan.

Hindi ino-audit ng COA ang gugulin sa LGU at hindi rin binabantayan ng CSC ang proseso at trabaho ng mga civil servant.

WALANG maasahan sa pamahalaan, dahil ang mga iniluklok tuwing halalan ay mga bopol sa pamamalakad sa gobyerno.

Karaniwang nagnanakaw lang ng pondo ang mga elected officials.

ANG COA ay walang silbi dahil malaki ang posibilidad na kaparte sila sa pandarambong dahil hindi nila hinihigpitan ang proseso sa paggastos.

Maging ang CSC ay inutil at hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Hanggang ngayon, ang mismong fixer sa loob ng LGU—ay mismong mga LGU personnel at hindi outsiders.

KAHIT sa ibang ahensiya tulad ng Customs, LTO, BIR at iba pa—ang mga fixers ay hindi outsiders—bagkus ay ang mga kawani mismo sa loob ng ahensiya.

Bakit hindi ito iniimbestigahan ng CSC?

Iyan ay isang klase ng kamangmangan at katamaran.

HINDI dapat nag-aantay ng formal complaint ang COA at CSC bago umaksiyon.

Aktuwal nilang trabaho na iayos ang takbo ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagmomonitor.

Iyan ang mandato mismo ng Konstitusyon.

SAPAGKAT dispalinghado ang COA at CSC, laganap ang corruption mula sa antas ng Barangay, Kongreso at hanggang Malacañang.

Ang Napoles scheme ay nabuo dahil sa kahinaan ng COA at CSC.

MARAMI pang klase ng Napoles scheme ang lilitaw at sisingaw tulad ng sangrekwang variant ng COVID.

Idinidesenyo ang corruption batay sa kahinaan ng COA at CSC—wala nang iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *