Bianca Manalo hiyang-hiya, napa-‘sabaw moment’ sa senatorial forum

Bianca Manalo hiyang-hiya, napa-‘sabaw moment’ sa senatorial forum

Hiyang-hiya si actress Bianca Manalo nang umeksena siya sa live senatorial forum ng kanyang nobyong si Senador Win Gatchalian.

Sa Instagram post, hindi inakala ni Bianca na mauuwi sa blooper ang suporta niya sa nobyo.

Batay sa kanyang caption, nag-Instagram Live siya habang nakasalang si Gatchalian sa CNN Philippines senatorial forum.

Gustong ipakita ni Bianca sa mga follower niya kung ano ang ginagawa ni Gatchalian ngunit hindi niya na-realize na hagip pala siya sa camera at nakikita rin siya nang live sa TV.

“Hay Bianca, oo Ano ka rin minsan eh ha (laughing emoji) bloopers tuloy ako sa Senate Forum last night LIVE on tv (laughing emoji) hahahahahahahahaha @stgatchalian74,” ani Bianca.

“Naka ig live kasi ako eh! Ang tagal ko pa na-realize, ‘teka, ako ba yun? Shucks ako nga!’” dagdag niya.


Sa sobrang taranta nga raw niya nang mapansin na nakikita pala siya sa TV habang nakatayo sa pinto ay agad-agad niyang naisara ito nang malakas.

Ilang celebrities at netizens ang tawang-tawa sa blooper na ito ng aktres kabilang na si Luis Manzano. (Issa Santiago)

Leave a Reply

Your email address will not be published.