Vice Ganda napangiwi sa sakit

Vice Ganda napangiwi sa sakit

Napangiwi sa sakit si Vice Ganda matapos siyang buhatin nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid.

Sa episode ng “It’s Showtime”, nagkukuwentuhan sila kasama si Ruffa Gutierrez tungkol sa naging dance number ng aktres.

Tsika ni Ruffa, pinayuhan daw siya ng inang si Annabelle Rama na mag-gym dahil masyadong malambot ang mga braso niya kaya hindi mabuhat ng mga lalaki sa dance number.

Sinabi ni Vhong ang technique para magbuhat sa dance number at isinampol nila ito kay Vice.

Binuhat nina Vhong at Ogie Alcasid si Vice habang nakaunat ang dalawang kamay nito.

Napatukod naman ang kanang tuhod ni Vice sa sahig at hindi na nakagalaw.

Napangiwi at napapikit din siya sa sakit.

“Hindi ko na ‘to mababalik,” sey ni Vice.

“Na-realize ko hindi pala ako marunong mag-split. Ang sakit!” sabi pa niya. (Issa Santiago)

Leave a Reply

Your email address will not be published.