Presinto ng mga presidential bet hinigpitan seguridad

Presinto ng mga presidential bet hinigpitan seguridad

Hinigpitan na ang seguridad ng mga polling precinct kung saan boboto ang mga kandidato sa pagka-presidente ngayong Lunes, Mayo 9.

Linggo pa lamang, ramdam na ang paghihigpit ng seguridad sa Mariano Marcos Elementary School sa Batac, Ilocos Norte kung saan boboto si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ilang miyembro ng kanilang pamilya.

Sa munisipalidad ng Magarao, Camarines Sur naman boboto si Vice President Leni Robredo. Sa Naga City dati bumoboto ang Bise President pero nilipat niya ang kanyang registration sa labas ng siyudad.

Sa Maynila naman boboto si Aksyon Demokratiko standard bearer at Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Inaasahang boboto naman si Sen. Manny Pacquiao sa kanyang bayan sa Saranggani, habang si Sen. Panfilo Lacson ay sa kanyang kinalakhang lalawigan ng Cavite.

Wala namang impormasyon sa polling precincts ng lima pang kandidato sa pagka-presidente.

Higit sa 65 milyong botante ang rehistradong botante, ayon sa tala ng Commission on Elections (Comelec).

Leave a Reply

Your email address will not be published.