Botohan pinasabugan sa Cotabato

Botohan pinasabugan sa Cotabato

Napuno ng tensyon sa isang botohan sa Kabacan, Cotabato makaraang magkaroon ng pagsabog sa mismong araw ng botohan kahapon.

Nangyari ang insidente dakong alas-9:40 ng umaga.

Ayon sa ulat ng GMA News, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa Jose Abad Santos Street sa exit ng Kabacan Pilot Central Elementary School.

Dahil sa pagsabog natigil at naantala ang botohan.

Wala namang iniulat na sugatan o namatay sa naturang pagsabog pero marami ang natakot bumoto. Malapit din sa public market ng Kabacan ang naturang pagsabog.

Tinitingnan ng pulisya ang anggulo na ang motibo ng pagpapasabog ay takutin ang mga botante.

Leave a Reply

Your email address will not be published.