Bongbong-Sara tandem nilampaso mga kalaban

Bongbong-Sara tandem nilampaso mga kalaban

Nanguna sa May 9 presidential at vice presidential elections ang tambalan nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa tala ng Comelec transparency server as of May 10, 4:31 pm, si Marcos Jr. ay nakakuha ng 30,996,609 boto, habang ang pumangalawang si Vice President Leni Robredo ay may 14,778,108.

Sumusunod si Sen. Manny Pacquiao sa 3,621,115 boto, pang-apat si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 1,882,650 boto at pang-lima si Sen. Panfilo Lacson sa botong 880,089.

Malaki rin ang lamang ni Duterte-Carpio laban kina Sen. Francis Pangilinan at Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Ang Davao City mayor ay nakakuha ng 31,439,607 boto, mayroon namang 9,203,934 si Pangilinan at 8,167,120 naman kay Sotto.

Nasa ika-apat na puwesto si Doc Willie Ong na may 1,840,048, habang si Rep. Lito Atienza ay nakakuha ng botong 266,558.

Ito na ang pinakamalaking lamang na nakuha ng kandidatong presidente at bise presidente sa bansa.

Tinanggap na ni Moreno ang pagkatalo at nanawagan sa mga Filipino na suportahan sina Marcos Jr. at Duterte-Carpio.

Leave a Reply

Your email address will not be published.