Binuking ni Kylie! Max, Pancho hiwalay na raw

Binuking ni Kylie! Max, Pancho hiwalay na raw

Mukhang nadulas si Kylie Padilla nang sabihin nitong break na daw sina Max Collins at Pancho Magno.

Nasa media conference si Kylie ng kaniyang GMA series na ‘Bolera’ nang bigla niyang ibuking sina Max at Pancho.

Naitanong kasy kay Kylie kung sino ang kaniyang kaibigan sa showbiz.

Si Max ang kaniyang naging sagot, pero may ilang detalye na nasambit si Kylie na senyales na hiwalay na ang kanyang kaibigan kay Pancho.

“We were together in ‘The Good Daughter,’ dun pa lang naging friends na kami, hanggang ngayon. Parehas kaming ikinasal, parehas naghiwalay, parehas kaming nanganak,” sey ni Kylie.

Dati nang naisyu na hiwalay na si Max at Pancho. Noong 2021 ay dineny na ito ng aktres at sinabing maayos sila ng kanyang mister.

Leave a Reply

Your email address will not be published.