WebClick Tracer

Naaksidente sa set: Ayanna nahulog sa hagdan

Naaksidente pala si Ayanna Misola at Ito ang ibinalita niya sa amin nang makahuntahan namin ang Vivamax sexy star recently.

Ayon sa aktres, nahulog siya sa hagdan sa shooting ng pelikula nilang ‘Ang Bababaeng Nawawala Sa Sarili.’

Kuwento niya, “Ito po nagpapagaling pa rin, nahulog po ako sa isang scene sa ‘Babaeng Nawawala.’ ‘Yung legs ko lang po, puro pasa po.”

Dagdag pa ni Ayanna, “One week na yata ito, may bukol pa rin. Third to the last day po (ng shooting) noong nangyari ito. After ilang days po ‘tsaka siya nagkapasa-pasa.”

Ipinakita sa amin ni Ayanna ang video ng kanyang binti na kuha pagkaraang mahulog siya sa hagdan.

Kuwento niya, “Eto po ‘yung kuha after mahulog ako. Nagulat ako dahil biglang naging dalawa ang tuhod ko.”

Dagdag niya, “Nagulat po ako niyan dahil hindi ko ine-expect na magkakabukol at sobrang laki niya. Si Diego pa ang nakakita.”

Sina Diego Loyzaga, Alan Paule, Carlene Aguilar, Mon Confiado, Adrian Alandy, at Ava Mendez ang cast ng ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili.’

Ayon pa kay Ayanna, hindi niya agad sinabi sa manager niyang si Jojo Veloso ang nangyari sa kanya.

“Hindi ko agad sinabi kasi po alam kong magagalit si Tito Jo. Tapos na po kami ng shooting noong sinabi ko sa kanya, nagalit nga po. Kakausapin daw po niya ‘yung production.”

“Sa ngayon po, hindi na po hirap maglakad. Masakit na lang ‘yung buto kapag nadidiin ‘yung sakong. As in, gumuguhit ‘yung pain sa buto,” sambit pa ng sexy star.

Ayanna is hoping na nabigyan niya ng justice ‘yung character niya sa movie. Dahil aniya, ibinigay niyang lahat ng kaya niya sa pelikulang ito.

“The show must go on,” wika niya, “kahit iika-ika akong lumakad.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *