Pasig police good samaritan sa rider na nadale ng fake booking delivery

Pasig police good samaritan sa rider na nadale ng fake booking delivery

Nag-ambagan para mabayaran ang delivery ng pagkain sa isang fake booking.

Ito ang naging solusyon ng mga pulis sa Pasig City matapos na magreport sa kanila ang isang Grab delivery driver na nadale ng fake order mula sa isang fastfood chain dahil sa delivery address na hindi lehitimo.

Pero hindi ang mga tauhan ng pulisya ng naturang lunsod, partikular na ang Pasig police cybercrime unit na humawak sa kaso ang nagsiwalat ng kanilang pagiging good samaritan kundi ang isang netizen na nagkataong nasa istasyon para maglako ng kanyang kalakal na nakasaksi sa pagreport ng rider.

Ang netizen ay kinilala sa Facebook handle na si Citnad Patrizia at ayon sa kanya ay nakakataba ng puso ang ginawa ng mga pulis.

Kitang kita umano sa mukha ng maluha-luhang rider ang pagkadismaya at panghihinayang dahil ang fake order ang kauna-unahan niyang booking at kung hindi ito mababayaran ay obligado siyang i-abono ang naitatabing pera na pambili ng gatas ng anak.

“Kitang kita ko sa mga mata ni kuaya Grab driver ang lungkot at ako ay naawa sa kanya,” ayon sa netizen.
Ilang sandali, lumapit na umano sa rider ang mga pulis at sinabihan ito na sila na lamang ang magbabayad ng inorder na pagkain sa Jollibee matapos na mag-ambagan at sila na rin ang kumain.

“Nuong oras na iyon ay Nakita ko si kuya Grab driver na masayang masaya habang nagpapasalamat sa mga pulis ng cybercrime, sabi pa ni kuya Grab driver na malaking tulong daw sa pamilya niya iyong pera na iyon dahil pambili niya ng gamot sa baby niyang bagong panganak,” ayon pa sa netizen.

“Halos maluha ako sa ginawa ng mga pulis sa cybercrime dahil sa simpleng pagtulong ay napasaya nila si kuyang Grab driver. Sana tularan po kayo ng lahat ng Filipino. SALAMAT PO SA PULIS NG CYBERCRIME PASIG, MABUHAY PO KAYONG LAHAT!!!” banggit pa ni Trizia.

Leave a Reply

Your email address will not be published.