WebClick Tracer

Spine surgery ni Pen successful, inabot ng 8 oras

Successful ang spine surgery ng veteran actor na si Pen Medina sa East Avenue Medical Clinic.

Isinagawa ang operasyon ng aktor noong July 21, 2022, dalawang araw bago mag-celebrate ng birthday ang isa niyang anak na si Ping Medina (Crispin “Ping” Chupungco Medina, Jr.).

Kaya sa Facebook page ni Ping, aniya, pinakamagandang birthday gift ang matagumpay na operasyon ng kanyang ama.

“I rarely get gifts for my birthday. Didn’t expect to get one today. (insert praying hand at violet heart emojis)

“Thank you for all your healing vibes we still have a long road ahead but we will never forget all your love and generosity!”

Sa isang art card na pinost ni Ping sa kanyang FB page, nagpapasalalat din ang kanyang ama sa mga taong tumulong sa kanya.

Mababasa sa art card, “Praise God for making my Spinal Surgery safe and successful. Maraming salamat sa aking Spine Surgeon Dr. Romel Estillore at kanyang team, my Anesthesiologist Dra. Lota Ticman at sa aking Ortho Doctor Dr. Misael Ticman, sa kanyang walang sawa at walang pagod na pagtulong at pag-alalay sa amin.”

“Hindi pa po tapos ang aking laban, I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection.

“Marami pong salamat sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa akin. Marami pong salamat!” (insert 3 praying hands emojis) at sa dulo, makikita ang pangapan ni Pen Medina.

Ang isa pang anak ni Pen na si Karl Medina, pinost din nito ang art card na pasasalamat ng ama sa kanyang social media accounts.

Sa caption ni Karl sa art card, aniya, “Thankful and still vigilant (insert praying hand at slightly smiling face emoji) thank you po, sa lahat ng nagpaabot ng tulong, dasal, at pagmamahal (insert growing heart emoji) nagpapasalamat kami ng lubos (insert growing heart emoji)”

Ibinalita ni Karl na successful ang operasyon ng ama.

Wika ni Karl (published as is, “Successful ang operasyon pero may nadiskubre na infection sa buto, at ngayon ay hinihintay ang resulta ng biopsy.”

“Pero malaki ang nabawas na sakit dahil lahat ng naipit na mga ugat ay naayos at nakakahinga na ngayon. Yung operasyon na dapat 3-4 hrs ay umabot ng 8hrs dahil kinailangan kayasin yung infected part ng buto, aside from yung itinerary ng surgery.”

“Pero malaking ginhawa at bawas sa pagaalala yung natapos ang surgery ng maayos (insert slightly smiling face emoji) muli, galing sa aming lahat, maraming maraming maraming salamat po” at tinapos niya ito ng slightly smiling face at praying hand emojis). (Lito T. Mañago)