WebClick Tracer

Siko ni Erram dumalawa na

Malamang-lamang, magpapaluwal na naman si Poy Erram ng P20,000 dahil sa flagrant foul 2 na nakuha niya noong Linggo sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals.

Ejected ang TNT center 55 seconds pa sa first half nang mabigwasan ng siko ang ulo ni San Miguel Beermen big Mo Tautuaa.

Nakabalik sa laro si Tautuaa, tumapos ng 13 points, 7 rebounds at 6 stitches sa pumutok na ulo.

Nauna sa locker room si Erram, hindi na natapos ang 119-97 loss ng Tropang Giga. Inagaw ng Beermen ang korona.

Automatic na P20K ang multa sa F2, madalas ay may kasama pang one-game suspension.

“Baka taasan pa natin, pero depende pa,” ani commissioner Willie Marcial. “Kakausapin ko muna si Poy.”

Pangalawa si Mo sa biktima ng siko ni Erram sa playoffs ng all-Filipino.

Sa semifinals, pinagmulta rin ang 6-foot-8 big man ng P20K nang muli ay mabagsakan ng siko ang counterpart sa Magnolia na si Ian Sangalang.

Putok din ang noo ni Sangalang. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *