Kat Alano bumoses matapos ikulong si Vhong Navarro

Kat Alano bumoses matapos ikulong si Vhong Navarro

Pinag-usapan sa social media ang naging tweet ni Kat Alano matapos ang pagsuko kay Vhong Navarro dahil sa kasong rape at acts of lasciviousness.

Sa tweet ng TV personality, sinabi nito na nakamit na raw ang hustisya makalipas ang 17 taon.

Matatandaan na sinabi ni Kat na may nanggahasa umano sa kanya na ang pangalan ay rhyming sa salitang ‘wrong’.

“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally, after 17 years,” wika ni Kat.

Si Vhong ay sumuko sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kaso ni Deniece Cornejo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.