Trak ng Army bumangga sa bahay, 5 sundalo sugatan

Trak ng Army bumangga sa bahay, 5 sundalo sugatan

Sugatan ang limang tauhan ng Philippine Army makaraang bumangga sa isang bahay ang kanilang sinasakyang military truck sa Calapan City, Oriental Mindoro noong gabi ng Lunes.

Nabatid na tinatahak ng trak na sinasakyan ng mga miyembro ng Philippine Army 76th Infantry Brigade ang kahabaan ng Strong Republic Nautical Highway sa Barangay Santa Isabel pabalik sa kanilang kampo sa Puerto Galera nang mawalan ng kontrol ang driver.

Ayon sa report, una munang sumalpok ang trak sa barrier ng kalsada bago inararo ang isang bahay.

Sa lakas ng bangga, naipit umano ang mga sundalo sa loob ng sasakyan at nagtulung-tulong pa ang mga residente at rescue team para mailabas ang mga ito.

Wasak din umano ang bahay at suwerteng hindi napuruhan ang lolong may sakit na nagpapahinga sa kuwarto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.