Kaya lumipat sa Japan! Adams dismayado sa PBA

Kaya lumipat sa Japan! Adams dismayado sa PBA

Nilantad ni Roosevelt Adams ang dahilan kung bakit lumayas na siya sa PBA at pumirma ng kontrata sa Japan B.League.

Sa Spin Zone column ni Homer Sayson, sinabi ni Adams dahil iba ang pinapalaro sa kanyang posisyon kaya nahihirapan na ma-develop ang kaniyang laro.

“I never was given a role in the PBA, so it was harder to show my true self and expand my game or develop,” lahad ni Adams.

Hindi rin daw siya kinontak ng kahit sinong taga-Terrafirma tungkol sa panibagong kontrata matapos ang initial discussion.

Aminado rin si Adams na dismayado siya sa kanyang naging stint sa PBA, lalo’t top pick siya noong 2019.

“I was disappointed in my PBA experience. I was excited to come into the PBA as a No. 1 pick. However, Terrafirma did not have a plan for me,” paliwanag ni Adams.

Maglalaro na sa Kagawa Five Arrows si Adams matapos ang tatlong taon sa PBA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.