Lifestyle show ni Korina, pasok sa panlasa ng Net25

Lifestyle show ni Korina, pasok sa panlasa ng Net25

Isa si Korina Sanchez sa may programa sa Net25 (Eagle Broadcasting Corporation) titled ‘Korina Interviews.’

Maganda at mabilis daw ang kanilang naging pag-uusap ng Net25.

Nagustuhan din kasi ng Net25 ang format ng show na gusto niya.

Mapapanood na sa naturang network ang bagong lifestyle show ng former Kapamilya TV host.

Ayon sa batikang broadcast journalist, isa itong programang magbibigay ng masaya, malaman, at makabuluhang talakayan kasama ang mga kilalang personalidad.

“Gusto ko ‘yung format na isang buong oras kong makakausap ang isang personality. We can talk about their childhood, their successes and failures, hobbies, pati ang kanilang lovelife,” pahayag ni Korina.

“Sa bawat episode, dadalhin ng ‘Korina Interviews’ ang aming mga viewer sa mundo kung saan matutuklasan ang reyalidad, mga hamon ng buhay, at sekreto ng tagumpay.”

Magsisimula ang airing ng ‘Korina Interviews’ on October 2, Sunday, at 5PM sa Net25.

Modesty aside, marami naman daw siyang offers from other networks pero mas pinili raw niya ang mapabilang sa Net25 dahil sa format ng show na gusto niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.