WebClick Tracer

Allen Dizon pressured sa 48 acting awards

Malaking pressure para kay Allen Dizon na kapareha ni Sunshine Cruz sa pelikulang ‘An Affair to Forget’ ang magkaroon ng 48 local and international acting awards.

“Ako nga minsan nahihiya ako, parang masyado na ata silang nagi-expect sa akin, alam mo ‘yon? Lahat na lang ng role na gagampanan ko dapat challenging, dapat ang role ko award-winning.

“Pero siyempre, hindi naman ganu’n palagi ‘yon. Hindi ko rin iniisip na dapat gagalingan ko sa ganitong eksena kapag may pelikula ako. Kung ano lang ‘yung instruction ng direktor ‘yon din lang ang sinusunod ko.”

“Kung ang kailangan niya ganito lang, hanggang du’n lang ako. Kasi sila naman ‘yung higit na nakakaalam. May vision silang sinusunod at du’n lang din ako dumidepende,” paliwanag ni Allen.

Para din sa aktor, ang bawat role na ginagawa niya sa pelikula ay iniisip niya na para laging bagong simula.

“Actually, ngayon pa nga lang nagsi-sink-in na ganun na ako katagal sa showbiz, na 25 years na pala ako. Pero ang pakiramdam ko,lagi pa rin akong nag-i-istart pagdating sa mga pelikula, pagdating sa mga teleserye.

“Kaag-first day, may kaba pa rin, kapag first day, kailangan ready ka sa role mo, sa character mo. So, same thing naman, wala namang pinagkaiba sa mga ginagawa ko before, sa mga ginagawa ko ngayon,” sabi pa ng aktor.

Ang ‘An Affair To Forget’ ay masasabing comeback project ni Allen sa Viva na noon ay naging miyembro ng grupong Viva Hotmen. Bakit nga ba niya tinanggap ang pelikula na sexy ang genre?

“Kaag tumatanggap po ako ng project ang una ko po kinu-consider ay ‘yung story and script saka kung sino ang director. Honestly, nagandahan ako sa script at kuwento ng ‘An Affair to Forget’ tapos si direk Louie (Ignacio) pa ang director. So. sino ba naman ako para tumanggi?”

“Komportable na ako Kay direk Louie at malaki ang tiwala kong mae-execute niya nang maayos ang mga sensitibong eksena namin.

“Maayos naman ‘yung pagkakagawa ng pelikula. ‘Yung mga sexy scene integral siya sa kuwento at parte siya ng istorya kaya hindi bastos na lumabas,” paliwanag pa ng Urian best actor. https://kasucrypto.com

Kasama ni Allen sa ‘An Affair To Forget’ sina Sunshine Cruz, Karl Aquino at Angelica Cervantes. Streaming na ito ngayon sa Vivamax. (Leo Bukas)