WebClick Tracer

Kita na naman

Ano na namang bagong pakulo itong ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO)?

Ano na namang bagong pakulo itong ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO)?

Sinabi kasi ni LTO Chief Assistant Secretary Jay Art Tugade na tuloy pa rin ang implementasyon ng 10-year validity ng driver’s license.

Pero kailangan daw sumailalim sa medical check-up ang isang driver apat na taon matapos na maisyuhan ng 10-taong lisensiya.

Kita na naman ang iniisip ng LTO. Kapag sumalang ka sa medical check-up, P500 ang ibabayad mo.

Depensa ni Tugade, nakasaad daw ito sa batas at kung napatunayan na physically fit pa rin ang isang driver matapos ang 4 na taon, ay muli siyang babalik sa LTO matapos ang tatlong taon upang masuri para matiyak kung may kakayanan pa na magmaneho.

Hindi ito ang kailangan ng mga driver. Ang kailangan nila sa LTO chief ay ang katiyakan na maibababa ang bayarin sa pagkuha ng lisensiya.

Sabi ni Tugade, bumuo na raw ng technical working group upang rebisahin ang accreditation sa mga driving school. Pinag-aaralan na raw ang pagpapatupad ng uniform fee sa mga student driver kasunod ng mga natanggap na reklamo na umaabot daw sa P15,000.00 hanggang P18,000 ang singilan.

Hanggang hindi pa ito naisasakatuparan, maituturing itong “drawing” pa lamang.

May sariling driving school naman ang LTO na walang sinisingil pero bago ka makapasok sa slot dito, dadaan ka sa butas ng karayom

Kaya sa 1,300 driving school bumabagsak ang mga student driver para kumuha ng non-professional driver’s license.

Sana magbago na ang LTO at hindi puro revenue ang inaatupag.