WebClick Tracer

Sa Time is the ultimate truth-teller: Nakaraan nina DongYan, Luis-Jessy, Billy-Coleen at Ogie-Regine kinalkal

Patuloy na humahaba ang listahan ng “Time is the ultimate truth-teller Celebrity Edition” kaya damay-damay na rin pati ang mga nananahimik nang mga mag-asawang sina Dingdong Dantes-Marian Rivera, Luis Manzano-Jessy Mendiola, Billie Crawford-Colleen Garcia, at Ogie Alcasid-Regine Velasquez. May nagdadamay na rin kina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Dahil sa kumakalat na listahang “Time is the ultimate truth-teller” list kung saang inintriga ang mga couples na dating nag-deny pero napatunayang may relasyon, pati ang nananahimik na mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Luis Manzano at Jessy Mendiola, Billie Crawford-Colleen Garcia, at Ogie Alcasid-Regine Velasquez ay inintriga na rin.

Usap-usapan ngayon ang naturang listahan na ikinalat ng ilang netizens. Sa pinaka-latest listahan, kasama na sina:

1. Dingdong Dantes and Marian Rivera
2. Billy Crawford and Coleen Garcia
3. Luis Manzano and Jessy Mendiola
4. Gerald Anderson and Julia Barretto
5. Paolo Contis and Yen Santos
6. James Reid and Issa Pressman
7. Aljur Abrenica and AJ Raval
8. Keifer Ravena and Kholeen Ortiz
9. Ogie Alcasid and Regine Velasquez
10. Arjo Atayde and Maine Mendoza

Sa usapan ng mga netizens:

“Bakit mo sinama ang DongYan ? Magwawala fans nila madadrag na nman si K sabihin di p nakakamove on.”

“Hiwalay na si K at Dong bago niligawan si Marian. Hiwalay na si Angel at Lucky bago pinursue si Jessy.”

“sa case ng DongYan, it was Karylle who pretended that she and Dingdong were still together even if they were long been separated, hoping that Dingdong will change his mind after asking for his freedom late part of 2008. Kasalanan ni Dingdong, pumayag siya sa hiling ni Karylle na wag munang gawing public ang separation for her to heal. That’s the reason why nung naging mainit na sa publiko at naging nega si Marian sa tingin ng tao, nagreact na si Dingdong at nagsalita sa Startalk, forcing Karylle to speak up and admit na hiwalay na sila at the same time denied about Marian being the third party. Paniwalang-paniwala naman kayo sa arte niya. Di niyo man lang ba naisip why DongYan’s relationship is blessed? Kung may natapakan yan, malamang matagal na kinarma ang dalawang yan but it seems Marian’s life is a bliss. Pinagpapala kasi ang inaapi.”

“Angel thought she and luis were still working things out. Yun pala may iba na.”

“Luis and Jessy pa HAHAHAHA 5 months pa lang silang hiwalay ni Angel sila na ni Jessy.”

“Billy-Coleen. sobrang lala nito for me kasi almost 10 years na ata sila ni Nikki tapos engaged pa.”

“Malala din to sa akin. Affected talaga ako neto dati kasi masyadong obvious ang cheating then makikita mo si Billy paiyak iyak sa TV pagkatapos maglabasan mga pics nila na magkasama pero todo deny pa rin. Parang ginawang t*nga mga tao.”

“Iniiba ng Regine fans ang istorya. Si Michelle at Ogie pa nun ng magka affair si Ogie at Regine.”

“Regine – Ogie? Hmm.. ang naaalala ko hiwalay na si Ogie at Michelle that time, not legally yet of course, and Michelle already have SO by the time Regine and Ogie became a couple.”

Meron din nagsabi na dapat ding isama sa listahan sina Arjo Atayde at Maine Mendoza:

“Maine , Arjo, Sammie? Nag celebrate pa ng monthsary pero nag date na si arho sa iba after 3 days hahahahahha.”

“Hindi pa break si Samie at arjo nung unang spotting kay arjo at maine.”

Habang sinusulat ang atikulong ito, patuloy na nadaragdagan ang listahan. For sure, marami pang ilalabas ang mga ‘history-buff’ Marites ng social media world kaya marami pang makakaladkad so for now, abangerz lang!