Nakipag-inuman muna sa kanyang girlfriend at pinatulog pa ito sa kanyang kuwarto bago nagbigti ang isang 33-anyos na mensahero, kahapon ng madaling araw sa San Andres Bukid, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District -homicide section, malamig na at may tumutulong dugo sa I Long ng biktimang si Marvin, residente ng Nakar St., San Andres Bukid, Maynila nang makita ng kanyang kasintahan na si Rizza Mae.
Ayon kay Rizza Mae, alas-4:00 ng madaling araw nang siya ay magising at nakita niyang nakabigti ang biktima gamit ang isang kumot na itinali sa ‘hamba’ ng pintuan.
Kaagad umanong tinanggal ni Toledo ang tali para maibaba ang biktima at isinugod ito sa Ospital ng Maynila pero wala na itong buhay.
Sinabi ni Toledo na may pinansiyal na problema ang biktima na paulit-ulit nitong sinasabi habang sila ay nag-iinuman.
Binanggit din umano ng biktima na siya ay pagod na at gusto na niyang mamatay pero hindi naman niya inakala na tototohanin ito ni Marvin.