Patuloy na kumakalat sa social media ang litrato ni Miss Philippines Earth Australia candidate Sha’uri Livori dahil sa kanyang nagmumurang blush on.
Nag-viral na nga ang photo ni Sha’uri dahil sa kanyang muk-ap na nang-agaw ng atensyon sa kanyang magandang mukha. Ang Miss Philipines Earth 2023 Swimsuit Competition ay ginanap noong nakaraang April 19.
Narito ang ilan sa mga kakalokang comment ng mga apektadong netizens:
“May galit ba yung make up artist lol.”
“Wow is this your usual retouch make up? Don’t justify your mistakes due to your own vested interest. Kawawa yung candidate pinag mukhang clown.”
“Nakakaloka naman kasi ang jukap ng lola nyo nagmukha tuloy syang kanin na pinatungan ng hatdog kapag lunch.”
“Si sassa ghurl siguro ‘yung nag retouched, eme HAHAHAHAHAHAHAHAHA.”
“Nagmukha tuloy pampam na tinapay.”
Sa gitna ng kanyang viral na blush, hindi naman nagpaapekto si Ms Sha’uri dahil sa kanyang Facebook account ay sinabi nitong: “Thank you so much, everyone! Let us not spread hate but love! I was actually inspired by my sister, Sassa Gurl. Sassa our blush on lagi pak na pak! What do you think, guys? I think I should add more blush charrrrr. Love you all!”
Pero ang glam team ni Sha’uri na De L’amour ay agad naghugas-kamay sa viral muk-ap:
“It is not the makeup artist who did that blush; her makeup was ok before going backstage, however, ‘someone else’ from the organization retouched her makeup backstage because they were not allowing the candidate’s glam team backstage as they already have someone to assist the girls,” ayon sa statement ng De L’amour.
Sa kabila ng kanyang overdone blush, si Ms Sha’uri ay nakakuha pa rin ng silver medal sa Miss Philippines Earth swimsuit competition.