Muling nagbahagi si Jessy Mendiola ng mga larawan ng anak nila ni Luis Manzano na si Isabelle Rose o Peanut. Sabi pa ng aktres, madaldal na ang kanilang baby na namana sa kanyang daddy.
“Happy 4 monts, our little Rosie!” caption ni Jessy sa kanyang Instagram post.
Sabi pa ng celebrity mom, “She’s growing up so fast. 🥹 Ang daldal na niya, mana kay papa @luckymanzano 😂🫣”
Sa huling bahagi nga kasi ng post ni Jessy, kinakausap niya si baby Peanut na tila marami nang gustong ikuwento sa kanya.
Ang cute talaga ni Peanut!