WebClick Tracer

Driver’s license, passport, iba pang government ID swak sa super app ng DICT

Nakatakda nang ilunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang digital driver’s license na isasama sa eGov Super App ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Nakatakda nang ilunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang digital driver’s license na isasama sa eGov Super App ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon sa LTO, sakaling maipatupad na ito at nahuli ang motorista ng law enforcement officer, maaari na lamang niyang ipakita ang digital license na katumbas na rin ng physical driver’s license.

Bukod sa lisensya, kasama rin sa eGovPH Super App ang iba pang government ID gaya ng passport, gayundin ang mga ahens.

Ma-a-access din dito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng SSS, PhilHealth, at PagIBIG.

Paglilinaw ng LTO, hindi nito aalisin ang physical driver’s license kundi magiging katuwang lamang para mas mabilis at maging digital ang iba pang mga serbisyo.

SA Hunyo balak ilunsod ng DICT ang eGovPH.